Don’t beg for Love
Ang pagmamahal ay binibigay ng kusa at hindi hinihingi. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao pag hindi ka niya mahal, wala kang magagawa. Oo nakakalungkot pero ganun talaga ang nagmamahal, laging may isang natatalo. Para sa akin, Hindi dapat pinipilit ang pagmamahal. It must come from within. Kawawa ka naman pag minahal ka lang niya ng dahil sa awa. Hindi ka street children para kaawaan. Kahit luhuran mo pa ang taong minamahal mo para ipilit ang pagmamahal na gusto mo, hindi niya yun ibibigay dahil Hindi ka nga niya mahal. Bigo ka na nga, nagmukha ka pang kawawa. May pagkakaiba ang pagmamahal at ang pagiging tanga.
Habang sa Moonleaf may tanong na. “What is the biggest sacrifice you did for your partner?” parang ganyan yung thought. ang tagal ko nag-iisip ng sagot kasi may libreng 2 drinks pag maganda yung sagot mo. hanggang sa makauwi ako at may naisip na ako…
My biggest sacrifice is my…
HEART. I trusted him to hold my heart but after a time, he returned it to me, broken.
Oo dana alam ko ang korny ng sagot ko. pero totoo talaga eh! :D